Kinumpirma ng Department of Interior and Local Government o DILG na may natatanggap silang reklamo hinggil sa mga barangay officials dito sa lalawigan ng Pangasinan na nangangampanya ng mga kandidato para sa May midterm elections.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay DILG Undersecretary fo Barangay Affairs Martin Dino, sinabi nito na may mga Punong Barangay dito sa probinsiya na hindi tumatanggap ng tulong mula sa gobyerno dahil hindi niya ito kapartido o kakampi. Hindi aniya dapat ipairal ng isang lider ng barangay ang pansarili nitong interes kapalit ng benepisyo ng kanyang nasasakupan.

Giit ni Dino, nakalagay sa local government code na kapakanan ng pinamumunuang barangay ang dapat na inuuna ng isang barangay captain at hindi ang kanyang pagkampi sa gusto nitong kandidato.

--Ads--

DILG Undersecretary fo Barangay Affairs Martin Dino

Sa oras aniya na mapatunayan ang reklamo na hindi tinatanggap ng Punong Barangay ang ayuda mula sa gobyerno o galing sa Governor’s office at Mayor’s office, posibleng magkaroon ng problema ang opisyal sa batas. with reports from Bombo Badz Agtalao