Pinasaringan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ang mga oposisyon partikular ang mga dilawan at komunista na sila ang nasa likod ng pagpapakalat ng balita na isinugod sa ospital si Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.
Tinawanan lamang ni Esperon ang isyu na nakaconfine umano sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City si Pangulong Duterte at sinabing ang mga natalo sa eleksyon ang may pakana ng kumakalat na balita sa social media.
Ayon sa opisyal, nasa Malakanyang ang Pangulo at abala sa pagpirma ng mga papeles. Makikita rin aniya sa picture na inilabas kagabi kasama si dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na maayos ang kalagayan nito.
Giit pa ni Esperon, normal lang naman na magpunta sa ospital ang Pangulo lalo na sa kanyang edad.
Mababatid na paulit-ulit namang sinasabi ng MalacaƱang na maganda ang kalusugan ni Pangulong Duterte at hindi dapat ikabahala ang hindi nito pagharap sa publiko. with reports from Bombo Badz Agtalao