DAGUPAN CITY- Tinuturo ni Coun. Marcelino Fernandez sa sesyon ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan City na ang nararanasang pagkabaha sa syudad, kamakailan, ay dahil sa nasirang dike sa San Vicente, Calasiao.
Aniya, bumaba mula sa mula sa nasabing lugar ang tubig baha patungong syudad dahilan ng pagbaha sa iba’t ibang barangay.
Kaya aniya, nagpasa ng tatlong resolusyon si Fernandez noong huling huwebes na may layunin na ayusin ang mga dike sa Bacayao Sur patungong Herrero Perez, Blvd. at Lasip Chico patunong ilang bahagi ng Barangay 2 at 3.
Nakikita niyang patuloy maaapektuhan ng pagbaha ang syudad kahit pa man magawa ni Cong. Manay Gina ang dike sa Sinucalan River kung hindi rin magagawa ang dike sa bahagi ng Calasiao at Sta. Barbara.
Ito ay dahil sa apat na bayan ang kumokonekta sa nasabing kailugan: Dagupan City, Urdaneta City, Calasiao, at Sta. Barbara.