Inanunsyo ng mga fuel retailer nitong Lunes ang panibagong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo, na magtutulak sa kabuuang netong pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel ngayong taon sa mahigit ₱20 kada litro.
Sa magkakahiwalay na abiso, sinabi ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. na mananatiling walang pagbabago ang presyo ng gasolina, habang magtataas ng ₱0.60 kada litro ang presyo ng diesel at kerosene.
Magpapatupad din ng kaparehong adjustments ang Cleanfuel at Petro Gazz, maliban sa kerosene na hindi saklaw ng kanilang produkto.
Ayon sa mga kumpanya, epektibo ang mga pagbabago bukas alas-6 ng umaga, Disyembre 30, para sa lahat ng nabanggit na fuel retailers, maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng price adjustment alas -4:01 ng hapon sa parehong araw.
Ayon sa ahensya, ang inaasahang galaw ng presyo ay bunsod ng global oversupply ng langis, mahinang demand, at patuloy na tensyong geopolitikal sa iba’t ibang panig ng mundo.








