Dagupan City – Patuloy na tinututukan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang nagaganap na global IT system outage na nakaapekto sa mga negosyo sa buong mundo.

Ito ang sinabi ni DICT Assistant Secretary and spokesperson Renato Paraiso, na kung saan ay mas naging mahigpit ang kanilang ginagawang monitoring sa Cybersecurity Bureau at National Computer Emergency Response Team sa nasabing insidente.

Nauna naman ng nilinaw nito na hindi aniya ito dahil sa hacking o cyberattack ang pangyayari at sa halip ay ‘faulty updates’.

--Ads--

Binigyang diin naman ni Paraiso na agad na mareresolba ang nasabing problema at makababalik na rin ang ilang online services ng ilang bangko sa bansa na naapektuhan ng nasabing globan outages.

Matatandaan na kahapon ay naapektuhan ng nasabing outages ang ibang mga kumpaniya matapos na magkaroon ng problema ang sistema ng cybersecurity company na CrowdStrike.