DAGUPAN, CITY— Posibleng maihabol na ngayong Disyembre ang Diagnostic center na proyekto ng provincial government ng lalawigan ng Pangasinan.
Ito ay upang tumugon na rin sa pagsusuri ng mga pasyente ng COVID-19 sa probinsya.
Ayon kay Vice Governor Mark Lambino, kanyang sinabi na nasa stage 4 na ng audit ang Department of Health (DOH) at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa naturang pasilidad upang beripikahin ito.
Aniya, hinihintay na lamang ng provincial government ang pinal na mga dokumento upang aprubahan ng mga nabanggit na mga kagawaran ang Diagnostic center upang magamit na ito sa susunod na buwan.
Dagdag pa ni Lambino, kung maaprubahan umano ay ito ay ito aniya ang kauna-unahang diagnostic center sa rehiyon uno.
Ang naturang pasilidad ay bahagi ng inilaang pondo para sa Provincial Health Office bilang bahagi ng COVID-19 response ng probinsya.