Isa lamang “diversionary tactic”.
Ito ang naging komento ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez, ang paghamon ni Vice President Sara Duterte sa mga mambabatas na sumailalim sa drug at neuropsychiatric tests.
Aniya, nililihis lamang ng bise presidente sa mga issue na dapat nitong kaharapin.
Giit niya pa na sa ganitong uri ng gawain magaling ang bise presidente upang maiba ang mapag-usapan.
Samantala, tinanggap naman ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr. ang hapon ni Duterte.
Saad pa niya, maliban sa mga nabanggit ay isama na rin ang psychological test at ang spiritual test.
Samantala, tinanggap na rin ng mga Young Guns ng House of Representatives ang hamon. Basta lamang ay tumestigo ito sa ilalim ng panunumpa sa House Committee on Good Government.