BAYAN MUNA will hold protest in Batasan Road
BAYAN MUNA

Tinawag na unconstitutional ng Bayan Muna ang pagdeny sa hinihingi nilang permiso para makapagsagawa ng mapayapang kilos protesta sa Batasan road sa darating na Lunes.

Ayon kay Carlos Isagani Zarate, Former Representative ng BAYAN MUNA, nakakatawa pero nakalungkot at nakakagalit dahil ang basehan ng denial ay hindi alinsunod sa batas pambansa.

Aniya, ang ginawang dahilan ay hindi umano freedom park ang Batasan road. Paliwanag naman niya na kung freedom park ang lugar ay hindi na kailangan ang permit.
Sinabi rin niya na ang rason naman ng Public Order and Safety Office o POSO Quezon ay magdudulot ng trapiko ang nasabing aksyon.

--Ads--

Sa kabila nito ay tuloy pa rin ang planong pagsasagawa ng kilos proptesta sa ibat ibang bahagi ng bansa kasama ang ibat ibang grupo at indibiduwal.

Kasama rin aniya sila na maglulusad ng kilos protesta sa Manila.

Sinabi ni Zarate na muli silang aapela para payagan na magprotesta sa lugar.