Naubos na umano ang convincing power ng pangulo ng Samahang Pilipino sa Afghanistan sa ilang mga Pinoy OFWs na nagmamatigs manatili sa nasabing bansa.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International correspondent Joseph Glenn Gumpal, Pangulo ng Samahang Pilipino sa Afghanistan, nagmamatigas na umuwi ng bansa ang apat na babaeng OFW sa Kabul.
Ang dalawa ay nagtatrabaho sa isang hotel at ang dalawa naman sa medical facilities.
Base sa kanyang pakikipag ugnayan sa Philippine embassy, may 15 na naiwan pa sa Afghanistan.
May apat sa Mazar na hindi makabiyahe dahil sarado ang airport at dalawa naman sa Jalalabad dahil walang bus na babiyahe sa Kabul.
Paliwanag ni Gumpal, hindi umano niya kayang sagutin sa katwiran ng mga ito na hindi baleng mamatay sa giyera kaysa mamatay sa gutom sa Pilipinas.
Umaasa pa rin si Gumpal na mapalawig pa ang August 31 deadline para makapag isip ang mga Pilipino na naroroon pa na umuwi na sa Pilipinas.
Panawagan naman niya sa pamahalaan na tupadin ang mga ipinangako sa kanila noong nasa Afghanistan pa sila.
Samantala, umaasa si Gumpal na mas malambot ngayon ang taliban adminustration.
Sa kanyang pananaw ay mas liberal silang makitungo sa mga tao kung ikumpara noong mga nagdaang mga taon na nasakop ang Afghanistan na marami silang pinatay na tao at nagpatupad na mahigpit na batas.