Kinontra ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naging pasya ng US na taasan ng taripa ang mga produkto ng mula sa Pilipinas.
Sinabi ni DFA spokesperson Analyn Ratonel, na noon pa man na ang mga lokal na produkto ng Pilipinas kasama na ang mga in-export sa US ay hindi mula sa forced labor.
Magpapatuloy ang Pilipinas para ma-reinforce ang legal framework at enforcement mechanisms para labanan ang forced labor at matugunan ang alegasyon na sa mga exports products.
--Ads--
Magugunitang tinaasan ng US ang taripa sa mga produkto na galing sa Pilipinas na mula sa dating 10 percent ay ginawa nila itong 12.5 percent na magiging epektibo sa Agosto 7.










