DAGUPAN CITY- Dapat na sundin ng mga paaralan ang mga mahahalagang mga alituntunin para sa pagtatapos ng School Year 2024-2025 dito sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cesar Bucsit, Administrative officer V Unit Head ng Public Affairs Unit DepEd Region 1, may inilabas na deriktiba kung saan ang pagsasagawa ng End of School Year Rites ay mula April 14 o April 15, 2025.

Aniya, ayon sa kautsan ay dapat na simple lamang ang mga isasagawang seremonya sa kabuoan at hindi na kinakailangan ng mga magagarbong kasuotan.

--Ads--

Dapat din aniyang maobserbhan ang no-collection policy sa mga paaralan para sa gastusin at mga gagamitin sa mga nasabing pagtatapos.

Ipinagbabawal din aniya sa mga teaching at non-teaching personnel na makipag-engage sa mga political activies o mga may halintulad na sitwasyon.

Dagdag niya, kung may mga gagastusin man ay dapat na voluntary at hindi mandatory o napagkasunduan ng mga magulang, alinsunod sa mga inilabas na alituntunin ng Department of Education.