Depresyon ang nakikitang dahilan ng pagpapakamatay ng isang 19 anyos na binata sa bayan ng Pozorrubio Pangasinan.

Batay sa impormasyon, ang biktima ay kinilalang si Jonas Oxales, 19 anyos at residente ng Brgy. Rosario sa nabanggit na bayan.

Natagpuan itong nakabigti na sa may bakal na hagdan ng water tank sa isang farm gamit ang kumot na itinali nito sakanyang leeg.

--Ads--

Mismong ang kanyang sariling ama na si Francisco Oxales ang nakadiskubre sa wala ng buhay na katawan ng anak.

Pagdating ng mga pulis ay nakababa na ang wala ng buhay na katawan nito na agad namang nadala sa ospital subalit hindi na umabot pa ng buhay.

Bago umano nagpakamatay ang biktima ay madalas itong umiinom ng alak dahil umano sa nararanasang depresyon. with reports from Cheryl Ann Cabrera