DAGUPAN CITY- Tiniyak na ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa bayan ng Agno ang kahandaan ng kanilang ahensya sa maaaring epekto ng Bagyong Uwan.

Ayon kay Shirley Nipaz, Head ng naturang ahensya, naka-standby na ang kanilang deployment team upang rumesponde sa anumang emerhensiya.

Aniya, bukas na ang mga evacuation centers sa kanilang lugar at nagsasagawa na rin ng pre-emptive and mandatory evacuation sa mga high risk areas.

--Ads--

Handa na rin ang mga food packs na ipapamahagi kung sakaling lumala ang sitwasyon.

Kabilang sa kanilang prayoridad na binabantayan ay ang mga vulnerable na coastal areas.

Pinagbawalan na nila ang mga mangingisda na pumalaot.

Ibinahagi niya na sa mga lugar na ito ay nagkakaroon na rin ng Bayanihan System upang mas maging handa ang mga residente sa anumang epekto ng bagyo.