Dagupan City – Nakakakasa na ang deployment plan ng Police Regional Office 1 para sa nalalapit na halalan sa darating na Mayo taong kasalukuyan.
Ayon kay Pltcol. Benigno C. Sumawang – Chief ng Regional Public Information Office ng PRO1 na patuloy ang kanilang pagtutok sa ginagawang police operations, mga checkpoints, mobile patroling at police presence sa buong rehiyon upang maipatupad ang mga batas na nararapat ngayong halalan.
Aniya na inihahanda na nila ang lahat ng pwersa ng kapulisan upang masiguro ang maayos at mapayapang eleksyon.
Saad nito na sa pagtutok nila para sa Comelec Gun Ban, nagkaroon na ng mahigit 70 bilang ng mga nakumpiskang baril kabilang na ang unregistered at unauthorized habang mahigit 70 din na indibidwal ang naaresto sa pagdadala ng baril.
Sa kabilang banda, bilang pakikiisa ng kapulisan sa eleksyon bukod sa pagpapatupad ng peace and order ay may mga nasanay din silang nasa 197 police personnel na magiging Back-up na Board of Election Inspector kung sakaling may mga guro na hindi makagawa ng tungkulin sa panahon ng eleksyon.
Nagpaalala naman ito sa publiko na kailangan sumunod sa alituntunin ng batas na pinapairal ngayon upang hindi maharap sa mga kasong maaring maipataw sa kanila ng otoridad.