Balak ng Department of Education (DepEd) na magkaroon ng access at maayos na koneksyon sa internet ang lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa bago matapos ang 2025.
Ito ay sa pamamagitan umano ng programang National Fiber Backbone (NFB) ng ahensya na layuning palawakin ang internet access sa mga lalawigan at malalayong lugar.
Inilalarawan ng ahensya ang naturang programa bilang “game-changer” dahil tinatayang 47,000 paaralan ang wala pa umanong koneksyon sa internet.
Sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara na hindi nila mapapaganda ang kalidad ng edukasyon ng bansa kung walang magandang internet connection ang mga paaralan.
Ang hakbang ay bahaging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT), na isulong ang digital inclusion.