BOMBO DAGUPAN – Naglunsad ang DepEd RO1 ng isang aktibidad katuwang ang Department of Trade and Industry at iba pang partner agencies na humihikayat sa mga Senior High School students na magnegosyo.

Ayon kay Rhoda Razon, Assistant Regional Director-DepEd RO1, hinikayat nila lalo na ang mga nasa Technical Vocational track, na paunlarin ang kanilang mga kasanayan sa pagnenegosyo.

Tinuruan ang mga ito sa pagsisimula ng negsoyo sa maliit na capital lamang at tinuruan kung paano magkaroon ng pusong negosyante.

--Ads--

Ipinunto nii Razon na mahalaga para sa mga kabataan na tapusin ang kanilang pag-aaral at magkaroon ng diploma, ngunit mas mahalaga ngayon ang magkaroon ng tamang estratehiya, lalo na sa paghahanap ng trabaho.

Ito aniya ay makakatulong sa mga estudyante na kung hindi man sila ma empleyo sa kanilang pagtatapos ay maging isang negosyante.