DAGUPAN CITY– Sinang-ayunan ng Department of Education (DepEd) Region 1 ang desisyong ilipat sa Oktubre 5 ang pasukan ng mga mag-aaral ngayong taon mula sa naunang anunsiyo ni Education Sec. Leonor Briones na magsisimula na sana sa nalalapit na Agosto 24.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cesar Bucsit, Spokesperson ng DepEd Region 1, ito ay bagaman marami na rin umano sa mga school division offices sa rehiyon ang handa nang mag-balik klase ngayon buwan.

Ito aniya ay magandang pagkakataon para sa mga humiling pa ng karagdagang panahon na mas makapaghanda sa nalalapit na pasukan, hindi lamang sa mga guro mula sa kanilang hanay bagkus, pati na rin aniya sa mga estudyante at mga magulang na patuloy pa rin ang isinasagawang preparasyon.

--Ads--

Dagdag pa nito na marami na rin umanong video lessons, self-learning materials at ibang back-up modules ang naihanda ng iba’t ibang school division offices.

Mr. Cesar Bucsit, Spokesperson – DepEd Region 1

Ito ay bilang tugon na hindi lamang aniya umaasa ang mga ito sa mga module na manggagaling sa kanilang Cental Office.