Tiniyak ng Department of Education Region 1 na pinaghandaan na ng regional office ang mga scenario o posibleng mangyari kung sakaling mapalawig pa ang enhanced community quarantine dahil sa covid 19 pandemic.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cesar Bucsit, Spokesperson ng Deped Region-1, pinag-aaralan ng ahensya ang mga suhestyun kung ano ang kanilang gagawin sakaling mapalawig ang ECQ.

Giit niya na nakahanda naman ang Regional Office sa gagawing learning effort para matugunan pa rin ang pag aaral ng mga bata.

--Ads--

Dagdag pa ni Bucsit na may direct access sila sa public affairs service communications division para malaman lahat ng update mula sa central office.

Napag-alaman na hindi pa matiyak sa ngayon ng Department of Education (DepEd) ang 100% quality education sa bansa kasabay ng ipatutupad na bagong pamamaraan ng pagtuturo sa mga paaralan sa gitna ng coronavirus pandemic.

Habang umiiral ang banta ng coronavirus sa bansa, ang kaligtasan pa rin ng mga mag aaral at mga guro ang tanging pangunahing layunin ng kagawaran.