Dagupan City – Pinaiigting ngayon ng Department of Education at Commission on Higher Education Region 1 ang kanilang mga programa sa pagprotekta at pangangalaga sa mga estudyante sa loob at labas ng paaralan.

Ayon kay Johnson Sunga, Education program supervisor ng Deped Region 1 na naka-in place pa rin ang Child protection policy of 2012.

Kaugnay nito mayroon na ring retraining ang mga kaguruan sa kung ano ang mga dapat gawin at kung paano maiiwasan ang bullying.

--Ads--

Dagdag pa rito ang patuloy na pagbibigay paalala ng legal team ng Deped Region 1 para sa mga school heads at pamahahagi ng mga brochure.

Bukod dito ay mayroon ding hotlines na maaaring tawagan ang mga nabiktima ng bullying upang maireport sa mga kinauukulan at agarang maaksyunan.

Samantala, pinaiigting din ng departamento ang guide mental health act sa bawat paaralan katuwang ang mga guidance councilors.

Ayon naman kay Dr. Christine N. Ferrer, Regional Director ng CHED Region 1 mayroon silang scholarship para sa mga mag-aaral na gustong kumuha ng nasabing kurso para na rin sa pagsuporta at pag-alalay sa mga mag-aaral.