Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga 4Ps beneficiaries na maaari nilang ikatanggal kung mapatunayang pinangsusugal lamang nila ang mga perang kanilang natatanggap.

Ayon sa Information Officer at DSWD Field Office 1 na si Jevin Ofiaza, nakabase sila sa mekanismo ng Grievance Redress System kung saan mayroong tatlong offences na kanilang batayan kung kailan maalis ang isang benepesyaryong lumabag ng hanggang third offence.

Ito ay kung kanilang mapatunayang ginagamit lang ng mga piling mamamayan ang pera sa kung saan saan lamang imbes na gamitin bilang pangtustos sa pamilya.
Sa kasalukuyan aniya, nasa higit 32,000 na ang mga benepisyaryong natanggal sa kanilang programa sa buong rehiyon uno.

--Ads--

Samantala, ibinahagi rin ni Ofiaza ang mga kwalipikado sa kanilang listahan kung saan dapat ang isang tahanan ay mayroong 0-18 years old na bata o buntis.

Kwalipikado pa rin aniya kung ang mga bata ay nasa pangangalaga ng mga lolo at lola o ang kanilang mga tiyahin o tiyuhin basta mapatunayang nasa mahirap na pamilya ang mga ito.
Dumadaan pa ang mga ito sa masinsinang validation bago nila isali ang isang pamilya sa mga 4Ps beneficiaries.

TINIG NI JEVIN OFIAZA