Nagbabala ang Department of Justice (DOJ) kay businessman Atong Ang laban sa payo ng kanyang abogado na huwag munang sumuko, kahit pa may nakalabas na arrest warrant laban sa kanya.

Ayon sa DOJ, maaaring maging “red flag” ang hindi pagsunod sa utos ng korte at maaaring magdulot ng karagdagang kaso.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOJ na mahalagang unahin ng sinumang nahaharap sa kaso ang legal na proseso at sumunod sa tamang mekanismo ng batas upang maiwasan ang komplikasyon.

--Ads--

Dagdag pa nila, ang agarang pagsuko ay hindi lamang simpleng hakbang; ito rin ay isang indikasyon sa korte na handa silang makipagtulungan, na maaaring makaapekto sa posibleng resolusyon ng kaso.

Patuloy naman na minomonitor ng DOJ ang kaso ni Ang, at nanawagan sila sa publiko na huwag gumawa ng premature conclusions bago lumabas ang pormal na aksyon ng korte.