Muling pinaalalahanan ng Department of Interior and Local Government sina Mayor Julio “Rammy” Parayno III at Vice Mayor Jimmy “Jing” Parayno sa kanilang suspensyon sa pagpunta ng mga ito sa Munisipyo ngayong araw.
Pinangunahan ito ni Regional Director Jonathan Paul Leusen Jr., Provincial Director Virgilio Sison, at iba pang kasamahan nito.
Ayon kay Regional Director Leusen Jr. Regional Director na dumako sila ngayong araw upang ifollow up kung nailipat na ng dalawang suspendidong opisyal ang kanilang posisyon sa mga kahalili nito ngunit hindi nila naabutan ang mga ito dahil ayon sa Sanggunian Secretary ay umalis agad ang dalawa pagkatapos ng isinagawa nilang sesyon.
Aniya na ang ginawa na lamang nila ngayon ay nagbigay ng guidelines at paalala sa mga Departments Head sa munisipyo upang malaman nila ang nangyayari tungkol sa magiging rule of succession.
Pagbabahagi pa ni RD Leusen na ito na ang pangatlong beses niya bilang kawani ng DILG na nagsagawa ng ganitong mga aksyon sa ilang mga opisyal ng gobyerno.
Matatandaan na noong Enero 3, 2025, pinatawan ng tig-isang taong suspensyon ang magpinsang Parayno dahil sa grave misconduct at grave abuse of authority.
Ipinatupad ito ng Office of the President (OP) noong Enero 7, sa pamamagitan ng Department of Interior and Local Government (DILG). Inihatid ng Regional Office ang suspension order sa opisina ng dalawang opisyal.
Ang suspensyon ay bunga ng kasong administratibo, “OP-DC Case No. K-090 entitled Michael Brian M. Perez vs. Mayor Julio F. Parayno III and Vice Mayor Jimmy D. Parayno.”
Si Mayor Parayno ay nag-indefinite suspend kay Michael Brian M. Perez, ang Liga ng mga Barangay (LNB) President at Punong Barangay ng San Vicente, dahil sa isang manifesto noong Hunyo 14, 2022, na pinirmahan ng 33 sa 34 na Punong Barangay ng Urdaneta City, na humihiling sa pag-alis ni Perez bilang LNB President.
Bilang tugon, inatasan ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang pagtatalaga kay City Councilor Franco del Prado bilang OIC Mayor at kay Councilor Warren Andrada bilang OIC Vice Mayor ng Urdaneta City, alinsunod sa Rules on Succession sa ilalim ng Local Government Code upang mapunan agad ang mga bakanteng posisyon dahil sa suspensyon ng magpinsang Parayno.