DAGUPAN CITY- Hindi pa nakakapagtala ng kaso ng Monkey Pox (MPOX) sa rehiyon uno subalit mahigpit na itong binabantayan ng Department of Health (DOH).

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV ng nasabing ahensya, pinapaigting nila ngayon ang response ng mga ospital kung sakaling makapagtala na ng kaso ng MPOX upang mabigyan ito ng agarang lunas at isolation.

Aniya, madalas na sintomas nito ay ang pagkakaroon ng lagnat, pagsakit ng ulo at katawan, pagkapagod, at pagpapantal na makikita sa iba’t ibang bahagi.

--Ads--

Mabagal naman ang pagkalat nito dahil nakakahawa lamang ito sa pamamagitan ng close o intimate contact, tulad ng pakikipagtalik, yakapan o halikan o nasa mataong lugar.

At kung makitaan ng sintomas ang isang tao, mahalaga ang mag-isolate muna at iwasan ang physical contact sa mga tao. Iwasan naman na kamutin ang mga butlig sa kanilang katawan.

Gayunpaman, mahigpit nilang inirerekomenda ang kumonsulta sa mga doktor kaysa magself-medicate.