Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nakahanda ito sa pagtugon sa monkeypox virus, ito ay matapos kumpirmahin ng palasyo na nakapagtala na ang bansa ng kauna-unahang kaso nito.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis ang siyang Medical Officer IV ng DOH Region 1 na bago pa man ang naturang anunsiyo ng pamahalaan, ay nakahanda na umano ang ilang mga isolation facilities para sa lahat ng mga pasyenteng magpopositibo sa naturang virus.

Aniya na nagkaroon na rin sila ng mga mandato sa mga provincial health offices hinggil sa mahihigpit na protocols sa mga border control points upang hindi ito makapasok sa Rehiyon Uno.

--Ads--

Paglilinaw naman nito na sa ngayon ay wala pang suplay ng smallpox vaccines sa bansa na itinuturo ngayon bilang isa sa mga makakatulong na sugpuin ang monkeypox virus.

Patuloy rin aniya ang pakikipagugnayan ng DOH sa mga iba’t ibang bansa upang makahingi ng naturang bakuna.

TINIG NI DR. RHEUEL BOBIS

Sa ngayon dahil aniya limitado ang kagamitan ng bansa para sa pagmonitor sa monkeypox virus, ay pinapalakas aniya ang surveillance sa lahat ng mga inidbidwal na pumapasok sa bansa.

Matatandaang inihayag ni Health Undersecretary Beverly Ho,na ang unang kaso nito ay nakita sa isang 31-anyos na Pilipino na dumating mula sa ibang bansa noong Hulyo 19, at may travel history sa mga bansang may dokumentadong kaso ng monkeypox.

Samantala ipinanawagan naman nito sa publiko lalong lalo na sa mga naninirahan ngayon sa evacuation centers na panatilihin pa rin ang mga health protocols upang maiwasan ang hawaan ng covid-19

TINIG NI DR. RHEUEL BOBIS