DAGUPAN CITY- Bilang paggunita ng Road Safety Month tuwing Mayo, mayroon umanong itinatag Philippine Road Safety Action plan ang iba’t ibang sektor ng National Government.
Ayon kay Engr. Lily Esteban, Unit Head ng Environment and Occupational Safety Unit ng Department of Health 1, binubuo umano ito ng 5 pillars kabilang ang road safety management o ang pagtalakay sa pagpopondo, pagpaplano, at pagmomonitor ng kakalsadahan.
Kasunod nito ang Safer Road o partisipasyon ng National Agencies, Safe Vehicles o ang pangunguna ng LTO sa pagcheck ng mga sasakyan, Safer Road Users o ang pagkakaroon ng iba’t ibang batas, at ang Post Crash Responses o ang pagresponde sa mga vehicular accident victims.
Sinabi din ni Engr. Esteban, itinataas ng Department of Health ang kamalayan ng Road Users sa kanilang kaligtasan sa daan.
Isa sa kanilang adbokasiya na maipaalam sa publiko ang iba’t ibang batas para makaligtas sa anumang disgrasya.
Kaugnay nito, nagbibigay sila ng mga trainings sa mga LGUs sa DRRMC sa bawat munisipalidad at syudad at sa mga katuwang na ospital.
Samantala, base sa kanilang datos noong Abril, mayroon na aniyang naitalang nasawi sa vehicular accident. Pinakamataas na may naitalang kaso ay ang Ilocos Sur na may kabuoang 50, habang pinakamababa naman ang lalawigan ng Pangasinan.
Paalala naman ni Engr. Esteban, gamitin ang pedestrian lane kung nais tumawid sa kabilang linya. Sundin din ang mga Road Signages upang makaiwas sa aksidente. Bagalan din ang pagtatakbo sa mga curve na daanan.