Nagpaalala sa publiko ang Department of Health Region 1 na maging alerto at mag ingat kasabay ng kumpirmasyon kahapon ng kauna unahang Lambda variant sa bansa.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV DOH-CHD Region 1, paliwanag nito na patuloy paring inoobserbahan sa ngayon ang Lambda variant ngunit sa ilang mga pag aaral ay nagpapakita na mataas ang transmisibility ng naturang variant.
Mayroon din umanong mga pag aaral na inihahalintulad ang Lambda sa Delta variant dahil ito ay nakukuha rin sa respiratory droplets katulad ng pagsasalita, pagbahing na makakahawa sa pamamagitan ng mga ito.
May abilidad din umano ang Lambda variant na bawasan at iwasan ang immunity na ibinibigay ng mga bakuna.
Samantala dagdag ni Bobis, tinitiyak naman ng kanilang tanggapan ang kahandaan sa rehiyon kabilang na rito ang pakikipag ugnayan sa mga Local Government Units para sa striktong border control policy na lahat ng papasok ay dapat na sumailalim sa screening at evaluation.
Patuloy din ang kanilang pakikipag ugnayan sa mga hospitals sa dagdagan ang kanilang mga dedicated beds sa covid 19 upang ma accomodate ang pagtaas ng kaso sa buong Region 1.