DAGUPAN CITY — Binigyang-pagkilala ng Department of Health-Center for Health Development Region 1 ang Bombo Radyo Philippines na isa sa mga pinaka-pinagkakatiwalaang broadcast media network sa buong Rehiyon Uno at kanilang katuwang sa pagpapalakas at pagpapalawig ng kanilang information drive sa ginanap na Bi-Annual Media Partnership Forum.
Sa mensahe ni Dr. Paula Paz Sydionco, DOH-CHD-1 Regional Director, nagpahayag ito ng labis na pasasalamat sa suporta at serbisyo ng broadcast media sa ginagampanan nilang tungkulin sa pagtulong sa kagawaran na makamit ang layunin nito.
Ani Sydionco na ang naiaambag na tulong ng Bombo Radyo Philippines bilang midyum ng pagpapakalat ng uimpormasyon sa mga isinusulong nilang programa at proyekto ay napakalaking tulong sa pagpapatibay ng komunikasyon sa pagitan ng Kagawaran ng Kalusugan at ng sambayanang Pilipino.
Saad pa nito na ang kanilang mga kinakaharap na hamon sa kanilang communication management ay hindi basta basta nalalampasan at hindi nila ito magagawa ng sila lang.
Kaya naman ay labis ang kanilang pasasalamat sa kontribusyon na naibabahagai at ginagampanan ng Bombo Radyo Philippines sa pagpapalakas ng kanilang mga kampanya at mekanismo para sa mas malusog na mamamayang Pilipino.