DAGUPAN CITY- Ginunita ng Department of Environment and Natural Resources Region 1 ang International Day of Forest upang maunawaan ang mahalagang papel ng kagubatan sa ating mundo.
Nasa Humigit-kumulang 80 porsyento ng mga terrestrial species sa buong mundo ang naninirahan sa kagubatan.
Ayon kay Jherrald Mark Fernandez ang Project Evaluation Officer ng Department of Environment and Natural Resources Region 1 sa Production Forest Management Section at Conservation Development Division na taon-taong na nila itong sineselebra bilang pagtugon sa mga napapanahong problema tungkol sa kagubatan.
Isa aniyang hakbang ang araw na ito upang makita ang mga mahahalagang naitutulong ng kagubatan sa mga tao gaya ng pagbibigay ng pagkain, tirahan ng ilang mga species ng halaman at hayop at iba pa.
Saad pa niya na ito ay tinaguriang “lungs of the Earth na siyang naghahatid ng maayos na oxygen sa mga tap dahil sa mga punong nakapalibot dito.
Samantala, panawagan naman nito sa publiko na makipagtulungan sa pagprotekta sa kagubatan at magkaisa sa pag-alaga sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno, pag-iwas sa mga negatibong maidudulot dito at iba pa upang mapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon.