Dagupan City – Tiniyak ng Department of Agriculture na sapat pa rin umano ang suplay ng mga gulay, isda, bigas at iba pang agricultural commodities, matapos ang pananalasa ni super typhoon Carina at ng Habagat.

Ayon sa departamento, ito’y matapos umakyat ang agricultural damage sa P1.21 billion para sa 22,088 metric tons (MT) na volume loss, na siyang nakaapekto sa higit 46,600 magsasaka at mangingisda.

Lumabalas naman para sa high-value crops, iniulat ng departamento ang 2,044 MT volume loss na nagkakahalaga ng P88.81 million.

--Ads--

Dahil dito, ang mga apektadong lugar ay kinabibilangan ng mga bahagi ng Cordilleras at Mimaropa.

Sa kabila ng pinsala, nilinaw ni De Mesa na “minimal” price adjustments lamang ang mangyayari sa fish products sa kabila ng epekto ng masamang panahon at banta ng oil spill sa ilang katubigan.

Karamihan naman sa fisheries sector mula sa Pampanga at Bulacan ay nagtamo ng P360.80 million na halaga ng pinsala na nakaapekto sa 3,334 mangingisda.

Iginiit din ng departamento na walang dahilan para itaas ang retail price sa bigas dahil matatag ang suplay nito mula sa dry season harvest at rice imports.