DAGUPAN, CITY— Pinabulaanan ng Department of Agriculture Region I na hindi naipapasa ng tao sa tao ang bagong nadiskubre ng mga siyentipiko sa China na strain ng H1N1 virus na G4.
Kaugnay ito ng nadiskubre ng mga dalubhasa na ang nasabing virus ay nagmula sa mga alagang mga baboy, at maaring maihawa sa tao.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Florentino Adame, Chief Agriculturist, ng Regulatory Division ng Departmenmt of Agriculture -Region I, nilinaw nito na ang nasabing virus ay hindi pa napapatunayang maaring maipasa ng isang tao sa kasama nito kundi ito ay sa pamamagitan lamang na maaring mahawa ng infected na baboy ang taong lalapit dito partikular na ang mga hog raiser.
Ayon umano sa mga iba pang international researches,ay wala pang nagpapatunay na maari itong maipasa sa tao maski umano sa mga isinagawang surveilance ay hindi pa ito tiyak na maihahawa.
Ngunit gaya umano ng parehas na resulta ng mga pag-aaral sa nasabing virus, ay mas lubha umanong mapanganib ang kanyang epektong impeksyon sa katawan ng tao kumpara sa iba pang mga kapareho nitong strains.
Matatandaang ang naturang virus ay nagsimulang lumaganap noong 2016-2018, ngunit sa ngayon taon ay wala pang naitatalang kaso ng naturang sakit sa bansang China.