BOMBO DAGUPAN – May mga lugar na binabantayan ng Department of Agriculture sa Rehiyon uno matapos makapagtala ng kaso ng African Swine Fever .

Ayon kay Dr. Alfiero Banaag, Chief Regulatory Division ng Department of Agriculture Region I, nakapagtala ng unang kaso ng african swine fever sa Brgy. Puzon, sa bayan ng Rosario, La Union.

Bilang protocol, 182 baboy ang sumailalim sa mandatory culling operation sa 500-meter radius mula sa ground zero. Labing limang hog raisers ang apektado dahil umabot pa sa karatig barangay ang mandatory culling operation.

--Ads--

Paliwanag ni Banaag na ngayon lang aniya tinamaan ng sakit ang mga alagang baboy sa nasabing bayan dahil noon ay walang ganitong sakit ang kanilang mga alagang baboy.
Bilang bahagi ng paghihigpit ay kino kontrol ang pagpasok ng karne ng baboy mula sa ibang lalawigan upang hindi malugi ang mga magsasaka na nag aalaga ng mga baboy.

Base sa imbestigasyon, maaaring ang nakahawa ay mga inahin na unang tinamaan noon, at dahil wala namang baboy na galing sa ibang probinsya kaya puwedeng tao o hayop ang nagdala ng virus sa nasabing farm o backyard.

Samantala, tuloy-tuloy ang surveilance sa mga lugar na dating tinamaan ng sakit at nagpapatuloy din ang koordinasyon nila sa Office of the Veterinary.

Nagbibigay aniya sila ng guidelines sa mga Local Government Unit kung paano ikontrol ang ASF.

Bukod rito, nagkakaloob din sila ng mga dissinfectants at iba pang supply upang makontrol ang nasabing virus

Samantala, nagbigay naman ng payo si Banaag sa mga nag aalaga ng baboy upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga ito. Huwag aniyang dederetso sa kulongan ng baboy kung nanggaling sa ibang lugar.

Sa talaan ng National ASF Prevention and Control Program, 29 bayan ang apektado pa rin ng ASF sa Region 1. Sa Pangasinan, kabilang dito ang Alaminos City, Mangatarem, Anda, Sta. Barbara, Bolinao, Sual at Urbiztondo ang nasa red zone.