Magsasagawa ang Department of Agriculture ng imbestigasyon ukol sa low compliance ng mga nagtitinda ng karne ng baboy hinggil sa itinakdang maximum suggested retail price (MSRP) ng ahensya.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, tagapagsalita ng Department of Agriculture, 20 porsyento lamang ng 170 retailers na isinurvey ang sumusunod sa MSRP.
Sa ilalim ng hakbang na ito, hinihikayat ang mga nagtitinda na ibenta ang liempo sa presyo na hindi hihigit sa P380 kada kilo, habang ang pigue at ham naman ay P350 kada kilo.
Ang MSRP ay isang non-coersive measure na layuning pababain ang mga presyo.
Kung saan may ilang retailers na nagsabi na ang pagsunod sa MSRP ay magreresulta sa pagkakaroon ng pagkalugi dahil ang presyo ng baboy sa farmgate ay mas mataas kaysa sa MSRP.