Dagupan City – Tiwala ang Department of Agriculture (DA) na maaabot ng pamahalaan ang target na 20.4 million metric tons na output ng bigas ngayong taon (2024).

Ayon sa ulat, sinabi ni Agriculture Assistant secretary Arnel de Mesa, mas mataas umano ito nang halos 400,000 metric tons, kung ikukumpara sa 20.4 million metric tons na kabuuang ani noong nakaraang taon (2023).

Batay rin sa inilabas na datos, mas mababa ang naging epekto ng El Niño kung saan ay umabotlamanbg ito sa 100,000 metric tons ng bigas, kumpara sa kanilang inasahan.

--Ads--

Isa naman sa nakikitang hakbang kung bakit nakamit ito ay ang ginagawang paghahanda ng pamahalaan sa El Niño.

Sa kasalukuyan, nakaposisyon na ang mga programa ng gobyerno tulad na lamang ng water management intervention, at ang pagbibigay ng angkop na teknolohiya, binhi, pataba, irigasyon, at makinarya, upang maabot ng bansa ang target palay output nito ngayon 2024.