Tinitiyak ng Department of Agriculture (DA) na dumadaan sa masusing imbestigasyon ang mga pumapasok na poultry products sa rehiyon uno matapos ang deklarasyon ng bird flu outbreak sa karatig na lugar sa Bulacan.

Ayon kay Dr. Allen Mae Doctolero, ang assistant chief regulatory division ng DA region 1, inaaksyunan naman ng maayos ng kanilang ahensya ang naturang isyu at sa kasalukuyan ay wala ng kaso ng bird flu sa rehiyon.

Aniya hindi lamang sa mga manok maaaring tumama ang bird flu kundi maging sa mga pato at pugo.

--Ads--

Dalawa hanggang tatlong araw ang kanilang isinasagawang obserbasyon sa mga ito at kung mapatunayang bird flu nga ang tumama sa mga ito ay nagiging mataas ang mortality rate kung saan 100 percent na mamamatay aniya ang mga ito dahil mabilis kumalat ang naturang sakit.

Payo nito sa mga poultry owners, kung mapansing mayroong sipon ang mga alagang manok ay kumunsulta muna sa mga beterinaryo upang mabigyang lunas ngunit kung nalagay sa alanganing sitwasyon at namatay ang mga ito, kailangang ireport ito kaagad sa Municipal o City Agriculture upang maagapan ang pagkalat ng virus.

TINIG NI DR. ALLEN MAE DOCTOLERO