DAGUPAN CITY- Isa sa mga layunin ng Department of Agriculture (DA) Mangatarem ay angpagpapalawak ng programa para sa magsasaka.
Ayon kay Benito Jazmin, Municipal Agriculturist ng DA Mangatarem, sinisuguro ng kanialng opisina na maunlad ang agrikultura sa nasabing bayan sa pamamagitan ng pagpapalgo nito.
Isa sa kanilang mga programa ay ang Rice Competitiveness Enhancement Program (RCEP).
Sa kasalukuyan, mayroon nang P5 bilyon na inilaan para sa mekanisasyon ng mga sakahan, P3 bilyon para sa mga libreng binhi para sa mga magsasaka, at P1 bilyon para sa mga pagsasanay na makakatulong sa pagpapabuti ng kaalaman ng mga magsasaka sa makabagong teknolohiya sa pagtatanim ng mga palay at mais.
Dagdag niya ang mga programang ito ay gustong mapalakas ang kakayahan ng mga magsasaka sa kanilang mga sakahan upang mapataas ang ani at kita.