Pinagbabaril ang isang 26 anyos na dentista ng dalawang hindi pa natutukoy na mga suspek na sakay ng motorsiklo sa Don Severino St., Bonuan Boquig dito sa lungsod ng Dagupan.
Kinilala ang biktima na si Cristine Joy Dela Peña na residente ng bayan ng San Jacinto, Pangasinan.
Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa kaliwa at kanang balikat habang ligtas naman ang mga kasamahan nito na nagmamaneho ng kotse na si Kingsly Yadao, 27 anyos , negosyante at residente ng Baritao Manaoag at isang pasahero na si Laila Lee, 29 anyos, estudyante at residente ng Poblacion Manaoag.
Ayon kay PSSg Virgilio Quimson, imbetigador sa kaso, habang nakasakay ang biktima at ang kanyang dalawang kasama sa kotse, bigla silang pinaputukan ng maraming beses ng dalawang hindi pa nakikilalang mga kalalakihan na sakay ng motorsiklo mula sa likuran gamit ang isang hindi pa tukoy na baril saka mabilis na tumakas.
Agad na isinugod ang biktima ng kanyang mga kasama sa R1MC.
Nabatid na sakay ng isang kulay kahel na motorsiklo na may tail box ang dalawang hindi pa natutukoy na mga suspek na parehong nakasuot ng dark jacket.
Nagsagawa agad ang mga kapulisan ng dragnet operation sa pakikipagtulongan ng mga kasapi ng SOCO.




