Dagupan City – Matagumpay na nagsagawa ng Coastal Clean-Up Drive sa Tondaligan Beach ang Department of Environment and Natural Resources – Community Environment and Natural Resources Ofiice Dagupan.

Ayon kay Norma Laluan, Development Management Officer IV ng DENR-CENRO, espesyal ang programang ito dahil kabilang ito sa kanilang environment celebration.

Sa katunayan aniya, taon-taon nila itong isinasagawa katuwang ang iba’t ibang mga organisasyon.

--Ads--

Dumalo naman sa aktibidad ang ilang estudyante at empleyado sa ilang elementary schools sa syudad, civil organizations, religious organization, environmental organizations, government agencies, ilan pang mga volunteers, Boy Scouts, Girl Scouts, Hanay ng kapulisan, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Coast guards, at DECORP.

Layunin naman ng aktibidad na ito na mamulat ang publiko na kasali ang bansa sa pinakamaruming coastal areas dahil sa mga basura lalo na ang mga plastik.

Kung saan ang mga plastik na ito kapag nadurog ay magiging microplastics na maaaring kainin ng mga isda o iba pang lamang dagat na posibleng bumalik at magdulot ng panganib sa kalusugan.