BOMBO DAGUPAN – Masayang-masaya si Dennis Trillo na napunta sa kanya ang role bilang Colonel Yuta Saitoh ng Japanese Imperial Army sa primetime series na Pulang Araw.

Nagsimula nang napanood ang war drama na ito noong July 29, 2024, at sa Netflix naman noong July 26.

Katunayan, noong una raw marinig ni Dennis ang kuwento ng Pulang Araw na may sampung taon na ang nakararaan ay pinangarap na niyang mapasama sa proyektong ito.

--Ads--

Pahayag ni Dennis dahil sa sobrang tagal na ay siguro hindi pa ito yung original na kuwento noon at nag-evolve na lang ika niya

Pero hindi raw niya inakalang mapupunta sa kanya ang role bilang main kontrabida.

Saad ni Dennis, “Gusto lang niyang maging part kahit anong role, pero mas maganda pa nung naging villain siya

Bagamat ay japanese nga ang kaniyang ginganapan ay hindi niya lubos akalain ito.

Mapapanood na ang karakter ni Dennis sa Pulang Araw simula sa August 21, 2024.