BOMBO DAGUPAN – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa posibleng dengue outbreak pagsapit ng ber months.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, tuwing ber months kasi karaniwang tumatama ang malalakas na ulan, na inaasahang sasabayan pa ng La Niña, na gustong-gusto ng mga lamok na may dalang dengue.

Pinapangambahan na umakyat sa 100,000 ang maitatalang kaso ng dengue sa nasabing period

--Ads--

Ikinababahala ng ahensya namauwi sa outbreak ang mga kaso ng dengue na naitatala ngayon sa bansa.

Sa kasalukuyam ay wala pang dengue outbreak sa bansa.

Samantala, mabilis na ang pag-detect ngayon ng dengue dahil sa isang uri ng rapid test na tutukoy kung may dengue o wala ang isang indibidwal.

Pinag iingat naman ang publiko sa sakit na ito.

Tulad ng ibang sakit ay nakamamatay din ang dengue.

Ang dengue ay isang mosquito-borne viral disease, ibig sabihin ito ay sakit dala ng lamok na mabilis na kumakalat.

Sa pagtugon pa rin sa kaso ng dengue sa bansa ugaliin ang 4S strategy hakbang ng Department of Health laban dito para ito ay maiwasan.

– Search and destroy mosquito breeding places

– Secure self-protection

– seek early consultation

– support fogging or spraying only in hotspot areas