Nakapagtala na ang Pangasinan Provincial Health Office ng 3,269 kabuuang kaso ng dengue mula Enero hanggang Hulyo 2025.

Kung saan ang bayan ng Rosales ang may pinakamataas na bilang ng kaso na umabot na 305, Umingan 204 kaso, San Manuel 181 na kaso at ang bayan ng Asingan 159 kaso, habang ang bayan ng Mangatarem ay 144 kaso.

Bukod dito ay nakapgtala rin ng pagtaas ng dengue cases sa Alaminos City, Balungao, Santa Barbara,San Fabian at San Quintin

--Ads--

Kung kaya’t kaugnay nito ang Pamahalaang Panlalawigan at Provincial Health Office ay nagpapatupad ng mga hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng sakit, kabilang ang paggawa ng mga hakbang upang maiwasan ang pagdami ng lamok, Pagpapalakas ng koordinasyon sa mga barangay at patuloy na koordinadong aksyon ng mga barangay at ng PHO upang mapababa ang kaso ng dengue sa lalawigan.

Pinapayuhan din ang mga residente na agad na magpakonsulta kung makakaranas ng sintomas tulad ng mataas na lagnat, pananakit ng kasukasuan, at pantal