Dagupan City – Bumaba ang datos ng naitalang dengue cases sa lungsod ng Dagupan.
Ito ang kinumpirma ni Dr. Dennis Canto, Chairman ng Committee on Health Dagupan City kung saan ay sinabi nito na nakatutulong umano ang isinasagawa sa bawa’t baranggay na symposium.
Layunin nito na maibahagi sa publiko ang mga kaalaman kung paano makaiwas sa sakit na dengue dulot at leptospirosis na karaniwang tumatama ngayong tag-ulan.
Kaugnay nito, may nakalaan na rin aniyang supplemental budget para sa serbisyong medikal at inaabangan na lamang na maaprubahan para maibigay na ang tulong sa publiko.
Payo naman nito Canto sa publiko na kapag nakaranas ng sakit na lagnat ay agad na magpakonsulta sa doktor nang sa gayon ay mabigyang ng karampatang tugon.
Samantala, as of August 3 ng kasalukuyang taon ay nakapagtala na ng 3,021 na kaso sa buong rehiyon, pinakamarami ay mula sa lalawigan ng Pangasinan na 1,507 at 128 na kaso dito sa lungsod ng Dagupan, 607 sa La Union, habang sa Ilocos Sur ay may 577 na kaso at 202 sa Ilocos Norte.
Sa nasabing bilang, 16 na ang nasasawi, ang 14 na nasawi ay mula sa lalawigan ng Pangasinan, isa sa lungsod ng Dagupan at isa sa Ilocos Norte.