Dagupan City – Tumaas ang bilang ng mga naitatalang dengue cases sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Anna Ma. Teresa De Guzman, Provincial Health Officer ng PHO Pangasinan sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan.

Ang dating 2,425 dengue cases noong 2023, ngayon ay nasa 6,588 cases na.

--Ads--

Habang ang dating 18 nasawi naman noong 2023, ngayon ay nasa 26.

Isa naman ang bayan ng Lingayen at lungsod ng San Carlos ang nakapag-ambag ng malaking datos sa kaso.

Kung saan nasa 8-months-old ang pinakabata habang nasa 54 naman ang pinaka-matanda.

Sa kabilang banda, bumaba naman ang naitalang kaso ng leptospirosis sa lalawigan kung ikukumpara noong nakaraang taon 2023.

Sa pinaka-huling datos ngayong oktubre, nasa 90 ang naitala sa leptospirosis at 16 ang nasawi. Malayo sa datos noong 2023 na nasa 120 ang kaso habang at 22 dito ang nasawi.

Lumalabas naman na karamihan sa mga ito ay mga drivers, magsasaka, fish vendors, at garbage collectors.