Dagupan City – Inaasahang mapapadali ang magiging proseso ng botohan sa darating na 2025 election dahil sa pinakilalang bagong Automated Counting Machine ng Comelec sa pagpapakilala at pagdemonstrate ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa kanyang pagbisita dito sa Dagupan City.

Kung saan isiniwalat nito ang iba’t ibang features ng bagong makina gaya na lamang ng; screen nito na ginawang 14 inches screen na makikita dito ang ibinoto.

Binigyang diin din nito ang kagandahan ng machine na updated version at walang tatak ng kung anumang mga kompanya.

--Ads--

Nasa kabuuang 110,000 machines naman ang inaasahang magagamit sa buong Pilipinas sa halos 104,000 sa lahat ng presinto at mayroon umanong 6,000 na mga contigency machine na nakahandang pamalit sa mga papalyang makina na nangangahulugang mabibigyan lahat ng bawat bayan at probinsya sa bansa.

Kaugnay nito na maglalagay din ang COMELEC ng 82 mga repair hub sa 82 na probinsya sa bansa para sa makina na dati’y iisa lamang.

Samantala, nagkakahalaga ng P149,000 ang pinakamurang renta ng bawat isang makina.

Ibinahagi naman nito na sa darating na nobyembre hanggang Enero sa susunod na taon ay magkakaroon ang Comelec ng malawakang Voters Education sa bawat bansa kung saan maglalagay ng tig-iisang makina sa mga bayan at lungsod.

Samantala, isa naman sa mga sumubok sa automated machine ay si Rodella Basa, isang Persons with Disability kung saan ay inilarawan nito ang karanasan bilang maganda, dahil mabilis lamang ito kung ikukumpara noon na matagal at kinakailangan pang i-assist ng mga guro.