DAGUPAN CITY – Bumaba na ang demand ng mga consumer pagdating sa suplay at paggamit ng kuryente dahil nagsimula ng maramdaman ang malamig na panahon at madalas na mga pag-ulan.
Ayon kay Engr. Rodrigo Corpuz – General Manager ng CENPELCO na mayroong pagbawas sa singil dahil nababawasan ang demand ng consumers hindi tulad noong mga nakaraang buwan na mainit ang nararanasan na panahon ay mataas din ang demand kaya naman tumataas din ang singil sa kuryente.
Dagdag pa niya na nasa kabuang 553 ang sakop ng cenpelco na mga barangay sa lalawigan ng Pangasinan.
Samantala, tuloy tuloy pa rin ang kanilang isinasagawang pagsasaayos sa mga linya ng kuryente at gayundin ang pagtatanggal sa mga linya na malapit sa mga puno upang makaiwas sa mga insidente.
Mayroon pa ring mga power interruption na kanila namang iaanunyo sa kanilang facebook page para sa kaalaman din ng publiko.
Saad pa niya na nawa’y habaan din ang pasensya ng mga ito dahil para sa pagkakaroon nang maayos na serbisyo sa mga consumers ito.