BOMBO DAGUPAN – Tiwala ang delegasyon ng Rehiyon Uno na makakasungkit pa ng mas maraming gintong medalya para  sa Palarong Pambansa 2024 at  target na mahigitan ang ranggo ng rehiyon noong nakaraang  taon.

Sa kasalukuyan batay sa inilibas na datos kaninang umaga ay nakapagtala na ng 3 gold medal, 2 silver medal at 1 bronze medal ang rehiyon.

Ayon kay  Lemuel Dino Visperas – Division Information Officer, SDO Dagupan City/ Media Team Member, R1AA Delegation na “Region 1 always number 1” kaya’t tiwala sila na mas mataasan pa ang bilang ng mga gintong medalya na makukuha ng ating mga atleta sa mga iba pang ongoing na laro.

--Ads--

Samantala, kaugnay naman sa kalagayan ng panahon sa Cebu aniya ay bumuhos ang malakas na ulan kaninang madaling araw at tumila rin bandang alas 7 ng umaga.

Maayos naman aniya ang kalagayan ng mga atleta at maganda ang naging akomodasyon sa pinagdadausan ng palaro.

Dagdag pa nito na bagamat  ay mas malalakas ang mga kalaban kumpara noong nakaraang taon ay hindi naman papahuli ang rehiyon uno.