DAGUPAN CITY- Ilang mga kilalang lugar lamang sa Israel ang nakikitaan ng mga dekorasyon pampasko.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Luzvilla Dorato, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, hindi nakikitaan ng christmas lights ang ilang lugar sa bansa, bukod lamang sa Jerusalem, Nazareth, at sa Haifa.

Aniya, ito ang mga lugar kung saan kadalasan talaga ipinagdiriwang ang kapaskuhan.

--Ads--

Ang pinakasikat naman na tourist spot sa Israel tuwing Christmas season ay ang Betlehem dahil dito isinilang si Jesus Christ.

Sa lugar na ito ay mas makikita ang mga dekorasyon pampasko tulad ng nagsisitaasang Christmas tree, nagliliwanag na ilaw, at maging mga naka-Santa Claus costumes.

Samantala, may ilang Pilipino sa Israel na sa kanilang apartment lamang pinipiling magpasko habang ang iba naman ay namamasyal kasama ang kapwa Pilipino.

Nagkakaroon din sila ng mga salo-salo at nagsasagawa ng christmas events.

Kaugnay pa riyan, sa kanilang salo-salo ay hindi nawawala ang mga pagkaing Pilipino na inihahanda tuwing pasko.

At para mas maramdaman ang kapaskuhan, nagkakaroon din sila ng munting pagbibigayan

Bagaman mayroon din simbang gabi sa Israel, o ang misa sa gabi bago sumapit ang pasko, kanilang dinadaluhan ito upang mas maramdaman ang Christmas Spirit.