Kinakailangan na umanong magdeklara ng State of Emergency ang bansang Pilipinas matapos lumabas sa isang pag-aaral na below average ang intelligence quotient (IQ) ng mga Pinoy, ayon sa 2023 study ng World Population Review.

Ayon kay Randy Alfon, Education and Research Chairperson ng Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers o ASSERT dahil sa uri ng kalidad ng edukasyon sa bansang PIlipinas kailangan na ang naturang deklarasyon para magamit na ang pondo para sa sektor ng edukasyon at mapakinabangan ito sa pag-aaral ng mga bata.

Kailangan na aniyang kumilos ang gobyerno ng Pilipinas bago pa mahuli ang lahat.

--Ads--

Sa kabila ng naturang pag-aaral ay tila umano nareset din ang mga kaguruan dahil natututukan din nila ang attitude at character ng mga mag-aaral na palagi nilang pinapaalala ang halaga nito sa isang tao at hindi lamang puro talino.

Giit pa nito na sa panahong ito, hindi naman kailangan ng masyadong matatalinong tao kundi dapat may puso.

Inihayag naman ni Alfon na sinasalamin lamang nito ang kabulukan ng sistema ng gobyerno partikular sa Kagawaran ng Edukasyon kung saan nakikita aniya ang pagiging corrupt agency nito. Halimbawa na lamang aniya sa paggawa ng mga module na kung sanay sa aklat na lamang inilaan ang pondo ay mas matagal pa itong mapapakinabangan.

Ganito aniya ang nangyayari dahil pinagkakakitaan aniya ito at tila nagiging negosyo na lamang mula sa mga pinakamataas na opisyal hanggang sa pinakamababang posisyon.

Bagamat maganda aniya ang structure ng kalidad ng edukasyon sa bansa ngunitv ang nagiging problema ay ang implimentasyon nito.

Nauna rito nabatid na ang average IQ ng Pinoy ay 81.64, na below 100 na itinuturing na average IQ score.

Ang World Population Review ay isang “independent organization without political affiliations,” ayon sa website nito.

Ang organization na ito ay naglalabas ng easy-to-understand complex demographic information ukol sa population sa iba-ibang bansa.

Sa pag-aaral, ang Pilipinas ay nasa ika-111 puwesto sa listahan ng 199 countries ng Top Countries With The Highest IQ.

Sa listahang inilabas, makikitang Asian countries ang nangunguna sa mga may pinakamataas na IQ.