Nilinaw ni Defense spokesperson Atty. Michael Poa ang posisyon ng kanilang panig sa pagtutol sa pag-stipulate o pagsang-ayon sa mga bank documents ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial nitong Martes, Oktubre 6.
Ayon kay Poa, hindi maaaring basta sumang-ayon ang defense sa mga dokumento dahil maaari umanong ma-waive o mawala ang ilang legal na depensa ng kanilang kliyente.
Aniya, hindi magiging makatarungan para kay Duterte kung basta tatanggapin ng defense ang mga dokumento nang Hindi sinusuri ang posibleng epekto nito sa kanilang mga depensa.
Ito ang naging posisyon ng Defense matapos tutulan ni defense counsel Carlo Narvasa ang hiling ng prosecution na huwag nang isagawa nang paisa-isa ang pagtukoy at pagpapatunay sa mga bank records ni Duterte.
Giit ni Poa, hindi umano makatwiran ang kanilang paninindigan at layunin lamang nilang maprotektahan ang mga legal na karapatan ng kanilang kliyente.










