Kinumpirma ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na tutulong ang Amerika sa relief and rescue efforts kasunod ng nararanasang malakas na pag ulan at malawakang pagbaha.
Ayon sa Kalihim naka activate na ang mga U.S.-funded Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) Sites na siyang gagamitin sa mga search and relief mission.
Magdei deploy na rin ng mga assets ang US Indo Pacific Command para tumulong sa Pilipinas.
--Ads--
Lahat ng pangangailangan gaya ng response efforts, assets at iba pa ay gagamitin para sa pagtugon ng rescue at relief operations sa mga nangangailangan.
Sa katunayan aniya, nagcommit si Admiral Sam Paparo, Commander, Indo-Pacific Command at pabalik na ito sa Hawaii para ma-organisa ang combine efforts.