DAGUPAN CTY- Isang malaking banta sa publiko kung hindi umano maagapan agad ang lumabas na ‘deep fake’ audio video na ginamit ang boses ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, maaari umano itong ikapahamak ng publiko dahil sa potensyal na hatid nitong public panic.
Higit pa diyan, hindi malayong makaapekto ito sa foreign policy sa bansa ngunit aniya, naniniwala naman silang hindi ito mahirap na matukoy na peke ng mga Intelligence Agencies at Law Enforcement Agencies ng ibang bansa.
Para kay Atty. Yusingco, maaari pa rin itong gamitin ng ibang bansa na may masamang hangarin tungo saating bansa dahil sa content at timing nito.
Subalit maganda ang ipinakitang bilis sa pag aksyon ng mga law enforcement at I.T personnel ng gobyerno upang matukoy ang pagkakakilanlan sa likod nito.
Ngunit, kailangan aniyang maamyendahan ang Cybercrime Prevention Law of 2012 upang mabigyan ng linaw na pag uunawa ang ‘deep-fake’ at kabayaran nito.
Pailisapan pa kase ang maaaring maipataw sa mapapatunayang masasakdal dahil maliban sa Cyber Offense, posible din itong paglabag sa Revised Penal Code.
Gayunpaman, sigurado naman na mahaharap ito sa criminal charges.